Hindi ko naman inakala na aabot ako dito.
Sabi ng isang Blogger sa isang blog nya na nabasa ko.
If being irrational gets me happiness and contentment, I would have to think and think
and THINK before anything else.
Wooooah. It moved me.
So I've been reading his blog for quite some time and in my surprise, I was inspired to write one.
This is the first blog that I am writing. Well at least for myself, and for my sweet escape from
stress and pressure sa araw araw na pangyayari sa buhay ko. I just realized that I'll be needing
to write a lot of these in case I get to meet some troubles which I am not used to tell (well more likely) to my friends.
And I want to apologize for writing some worst blog that you will be reading, Pinapangunahan na kita na hindi ako magaling magsulat gaya ng ibang bihasa na sa pagsusulat, moreso yung may mga talento sa pagsusulat. Like what I said, this is just a sweet escape from my troubles.
Kape, Yosi, at Kwentuhan.
Mahilig kame (pero sila talaga yun) ng mga kaklase ko tumambay kung saan saan.
Pero mas madalas mo kami makikita sa Starbuko. Kape, Yosi, at kwentuhan. Yan lang naman
yung mga parepernalya namin para mas maging makabuluhan pa yung araw namin.
Madalas namin ginagawa yung pagtambay sa Starbuko. Hindi din ako sanay na
tumambay mag isa.
Not until kanina.
Napatambay ako sa SB kasi inaantay ko yung kaibigan ko, dun na lang kasi kame magkikita para halfway from his home (from province with love). Apparently, hindi siya pumunta.
Na lobat din kasi ako tapos wala pang load, so mag-isa ako ngayon sa SB.
Pero masaya din pala, I just realized how relevant it would be kung mag-isa ka paminsan-minsan. (Syempre bukod pa kung nasa CR ka). When I was alone back there at my table, ang dami kong
naiisip, and it was not the usual things that I thought when I am with my friends.
Ano bang gagawin ko mamaya,
May pagkain pa kaya sa bahay,
Ayos na kaya yung pina install na acu ni mama,
Anong way ko pauwi mamaya..
Ano ba talagang gusto kong gawin?
These questions seemed impossible to think kapag kasama mo mga kaibigan mo.
Wala naman kasi kayong ibang iisipin kundi pagusapan ang mga paulit-ulit na kwento
pero hindi kailan pinagsawaan tungkol sa eskwelahan, sa ojt, sa mga bagong nangyari
o kaya sa taong nakatabi nila sa jeep.
PS. Hindi ko na alam kung saan papunta 'tong kwento ko.
Kaya humihingi ako ulit ng pasensya kung nasasayang na oras mo sa pagbabasa nito.
Hindi ko naman inakala na aabot ako dito.
Hindi ko inakala na magsusulat ako ng blog. Pero sa totoo lang.
Dalawang pakiramdam yung naiisip ko.
Yung isa, natatakot ako kasi hindi ko alam kung magiging epektibo tong
paraan para mabawasan yung mga problema ko sa buhay.
Yung isa naman, natutuwa akong magkaroon ng is pang ka kwentuhan na walang magagawa
kundi mabasa lahat ng naiisip at nararamdaman ko. Pero wag ka sanang maapektuhan.
At the end of the day, I would still feel a lot worse for writing this blog.
Pero susubukan kong humanap ng paraan para kahit papaano naman
makitaan mo na nag eeffort ako para maayos yung grammar ng mga isinulat ko,
o mas importante kung may saysay ba yung mga pinagsasabi ko.
No comments:
Post a Comment